Kooperatiba ng El Shaddai sa Parañaque, tinupok ng apoy

By Jong Manlapaz, Mark Makalalad January 13, 2018 - 07:04 AM SHARE(S):
Kuha ni Jong Manlapaz

Tinupok ng apoy ang mga negosyo ng kooperatiba ng El Shaddai sa Amvel Business Park sa San Dionisio, Paranaque.

Nagsimula ang sunog bandang 12:41 ng madaling-araw ngayong Sabado.

Sa imbestigasyon ng Paranaque Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog sa Grocery Keeper Cooperative hanggang umabot sa canteen at nadamay na rin ang Heavenly Inn Cafe and Restaurant.

Ayon kay Bro. Mike Velarde sa mga paninda pa lamang ng mga miyembro ng kooperatiba aabot na sa 10 milyong piso ang pinsala ng sunog, habang aabot naman sa 40 milyong piso ang halaga ng nasira sa gusali.

Hanggang sa ngayon patuloy na inaapula ng BFP ang apoy at pahirapan din nilang mapasok ang loob.

Ideklarang under control ang sunog 3:54 ng madaling araw.

Ngayong araw ay may pagtitipon ang charismatic group o na tinatawag na “Family Appointment with El Shaddai”.

Tiniyak ni Bro. Mike na hindi mahahadlangan ng sunog ang kanilang pagpupuri sa Panginoon ngayong araw sa lugar. /

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.