Trump, kinansela ang nakatakdang pagbisita sa UK
Kinansela ni US President Donald Trump ang nakatakda sana niyang pagbisita sa United Kingdom upang pasinayaan ang pagbubukas ng bagong US embassy sa London.
Nagkakahalaga ang naturang embahada ng higit isang bilyong dolyar.
Ayon sa kanyang tweet, sinabi ng presidente na hindi siya ‘fan’ ng bagong embahada na inilipat sa south London mula sa Mayfair.
Sinisi niya ang dating administrasyong Obama dahil sa umano’y ‘bad deal’ ang naturang proyekto.
Hindi anya maganda ang lokasyon ng bagong embahada at ayaw niya anyang pangunahan ang ribbon-cutting ceremony nito.
Samantala, maaaring si US Secretary of State Rex Tillerson na lang ang manguna sa pagpapasinaya nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.