Mga Pinoy sa Syria, pinag-iingat sa serye ng mortar shellings sa Damascus

By Mark Makalalad January 13, 2018 - 04:32 AM

Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Damascus ang mga Pilipino doon kaugnay sa serye ng mortar attack sa lugar.

Nabatid kasi na parami na nang parami ang nasusugatan sa pag-atake sa Bab Touma at Abbassen pati na rin sa ibang mga kalapit lalawigan.

Sa security advisory ng embahada, kanilang pinapayuhan ang Pinoy sa capital city na manatili na lamang sa kanilang mga bahay kung wala namang mahalagang lakad.

Kung hindi naman maiiwasang lumabas ng bahay, ay tiyakin na lang daw na lumayo sa matataong lugar kagaya ng shopping mall, public market, government building, police at military installations, pati na rin sa military check point na kadalasang nagiging target ng pag-atake.

Sakali namang magkaroon ng emergency, hinihikayat ng Embahada ang mga Pinoy doon na makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng mga numerong: 0960-006113, 0949-155557 at 613-2626.

Kasalukuyang nasa alert level 4 ang Syria dahil sa umiiral na civil war.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.