Pagbabalik ng ‘Oplan Tokhang’, hindi pa sigurado – Roque

By Rhommel Balasbas January 13, 2018 - 04:20 AM

Inquirer file photo

Iginiit ng palasyo ng Malacañang na hindi pa sigurado ang pagbabalik ng kontrobersyal na ‘anti-drug operations’ ng pambansang pulisya na ‘Oplan Tokhang.’

Ito ay matapos ang pag-anunsyo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Oscar Albayalde na hindi na magiging madugo ang mga operasyon ng PNP.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagaman plano ito ng PNP ay mananatili pa ring lead agency sa kampanya kontra iligal na droga ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Iginiit ni Roque ang nauna nang naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangunahan ang war on drugs.

Sinabi rin ni Roque na tatanungin din nila si PDEA Director Aaron Aquino ukol dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.