Pamilya ni Atio Castillo, nagpasalamat sa testimonya ni Mark Ventura
Bagaman naging masakit para sa kanila ang kanilang mga nalaman, nagpapasalamat ang mga magulang ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III sa inilabas na salaysay ng testigo at fraternity member na si Mark Ventura.
Sa reopening ng preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ), dumalo ang mga magulang ni Atio na sina Carminia at Horacio Jr.
Dito isinumite ni Ventura ang kaniyang salaysay kung saan niya isinaad ang lahat ng mga pangyayaring kaniyang nasaksihan mula sa bago mangyari ang hazing, sa kasagsagan nito at hanggang sa mga sumunod na nangyari pagkatapos nito.
Dumalo din sa preliminary investigation ang mga respondents na karamihan ay mga miyembro ng Aegis Juris fraternity dahil pinagkomento sila sa affidavit ni Ventura.
Ayon kay Carminia, hindi maitatangging may krimen na nangyari base sa mga sinabi ni Ventura.
Pareho namang nagpasalamat sina Carminia at Horacio Jr. kay Ventura dahil siya lang ang naglakas ng loob na magsabi ng katotohanan at naniniwala silang may kredibilidad naman ang mga pahayag nito.
Bukod kay Ventura, nagpapasalamat din ang mag-asawang Castillo sa DOJ para sa mulong pagbubukas ng kaso para maipresenta ng witness ang affidavit.
Samantala, itinakda ng mga prosecutors ang pagsusumite ng komento hanggang sa January 22, pati na rin ang pagsasagawa ng clarificatory hearing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.