Petisyon ni Etta Rosales laban sa martial law extension, kasama na sa oral arguments ng SC
Bagaman kahapon lang inihain, maisasama ng Korte Suprema sa isasagawang oral arguments sa January 16 at 17, 2018 ang petisyon ng grupo ni dating Human Rights Chairperson Etta Rosales laban sa martial law extension.
Ito ang kinumpirma ng Public Information Office ng Supreme Court, araw ng Biyernes.
Matatandaang sa ikatlong petisyon laban sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao na inihain ni Rosales ay iginiit din niya ang sentimyento ng iba pang mga nagreklamo na wala itong factual basis.
Samantala, matapos pagpaliwanagin ay inaasahang magsusumite na ng kanilang komento ang Office of the Solicitor General sa ngalan ng gobyerno hanggang alas-5:00 ng hapon ngayong araw, January 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.