Mga Pinoy, hati ang opinyon sa RevGov – SWS

By Rohanisa Abbas January 12, 2018 - 08:49 PM

Hati ang opinyon ng mga Pilipino hinggil sa revolutionary government (RevGov) na ibinababala ng pamahalaan kapag nagpatuloy ang mga umano’y destabilization plot, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon kay SWS director for sampling and data processing Gerardo Sandoval, 39% ang kontra sa RevGov, 31% ang suportado ito habang 30% ang undecided.

Pinakamarami ang mga hindi sang-ayon sa RevGov sa Luzon sa 46%, na sinundan ng Visayas sa 43%, Metro Manila sa 39% at Mindanao sa 21%.

Pinakamarami naman ang sumusuporta sa RevGov sa Mindanao sa 38%, na sinundan ng Metro Manila sa 31%, Luzon sa 30%, at Visayas sa 26%.

Ayon kay Sandoval, may mga Pilipino naman na tiwala sa Pangulo at kuntento sa kanyang performance pero hindi suportado sa RevGov.

Naniniwala naman ang mas nakararami na posibleng ideklara ni Duterte ang RevGov. 48% ang nagsabing posible ito, 27% ang nagsabing hindi habang hindi naman alam ng 24% ang posibilidad nito.

Ayon kay Sandoval, isinagawa ng SWS ang naturang survey sa 1,200 adults sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng face-to-face interview.

Magugunitang pinalutang ni Duterte ang usapin ng RevGov kung magpapatuloy ang kanyang mga kalaban na subukan siyang pabagsakin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: RevGov, revolutionary government, Rodrigo Duterte, sws survey, RevGov, revolutionary government, Rodrigo Duterte, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.