U.S Embassy sa Maynila, sarado sa Lunes
By Dona Dominguez-Cargullo January 12, 2018 - 06:52 PM
Sarado sa Lunes, January 15, 2018 ang U.S. Embassy sa Maynila.
Ayon sa abiso ng embahada, sa Lunes ay gugunitain sa Amerika ang Dr. Martin Luther King Jr., Day.
Ito ay isang American holiday na taun-taong ginugunita.
Muli namang magbubukas at tatanggap ng transaksyon ang U.S. Embassy sa Martes, January 16.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.