AFP tinawag na ‘hibang’ ng CPP

By Rohanisa Abbas January 12, 2018 - 04:58 PM

Tinawag ng Communist Party of the Philippines (CPP) na hibang ang Armed Forces of Philippines sa pahayag nitong tatapusin o pahihinain nito ang mga komunistang rebelde ngayong taon.

Ipinahayag din ng CPP na taliwas sa pahayag ng AFP ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na malayo ang posibilidad na tapusin ang mga komunistang rebelde sa loob ng isang taon.

Tinawag din ng grupo na hibang si Lorenzana sa paniniwala nito na ang pakikipag-alyansa nila sa iba pang pwersa kontra Duterte ay dahil sa ‘bankrupt’ na ang CPP.

Ngayong linggo, ipinahayag ni AFP chief General Rey Guerrero na target ng militar na manangalahati ang 3,700 myembro ng New People’s Army ngayong taon.

Gayunman, sinabi ni Lorenzana na “far-fetched” ang pagpapabagsak sa NPA sa loob ng isang taon.

Nagbanta naman ang CPP na patuloy na magpapalakas ang NPA at maglulunsad ng mas marami at mas malalaking opensiba.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, CPP, NPA, AFP, CPP, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.