WATCH: Relics ni St. Therese of the Child Jesus, muling bumisita sa Pilipinas
Muling bumisita sa bansa ang pilgrim relics ni St. Therese of the Child Jesus sa ika-apat na pagkakataon.
Masayang sinalubong ng mga estudyante, mga sundalo at mga deboto ang relics ni St. Therese na nagmula sa France papunta sa Dambana ni St. Therese sa Newport, Pasay City.
Maingat na iprinusisyon ng mga miyembro ng Philippine Air Force ang relics na nasa loob ng isang chest o baul, na gawa sa jacaranda hardwood, na nakapaloob sa isang glass casket.
Naghandog rin ng sayaw ang ilang mga residente ng Pasay, at nagsaboy ng mga rose petals para sa pagdating ng relics ng Santa.
Ayon kay Bro. Froilan Torres, curator ng St. Therese relics dito sa Pilipinas, ang relics ay mga bagay na ginamit ng isang santo, at ito ay mahalaga para sa ipaalala sa mga Kristiano ang pagiging tao, at ang mga naging pagpapaka-sakit ng isang santo.
Iikot ang relics ni St. Therese sa iba’t ibang mga diocese sa Luzon, Visayas at Mindanao simula bukas, January 13 hanggang May 31, 2018.
Ang relics ni St. Therese ay sinasabing nagdadala ng milagro at nakakapagpagaling, at patunay diyan ang asawa ni dating AFP Chief of Staff at ngayo’y DILG OIC Eduardo Año na umano’y gumaling mula sa sakit na cancer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.