Arraignment kay dating Pangulong Aquino, hindi natuloy

Inquirer File Photo | Grig Montegrande

Hindi natuloy ang pagbasa sana ng sakdal kay dating Pangulong Benigo Aquino III sa Sandiganbayan sa kinakaharap nitong kaso kaugnay sa Mamasapano incident.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 4th division, ipinagpaliban muna ang arraignment dahil sa nakabinbing motion to quash ni Aquino.

Sa halip na ngayong araw, itinakda na lamang muli sa February 15 ang pagbasa ng sakdal sa dating pangulo para sa mga kaso niyang graft at usurpation of authority.

Hindi naman humarap sa korte si Aquino.

Dumating naman sa korte ang co-accused ni Aquino na si dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima.

Si Purisima ay naisailalim na noon pa sa arraignment para sa parehong kaso.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...