Matataas na kalibre ng baril nasabat ng militar sa NPA sa Davao Del Sur

By Dona Dominguez-Cargullo January 12, 2018 - 02:30 PM

Photo from the 73rd Infantry Battalion

Siyam na matataas na kalibre ng baril ang nasabat ng mga tauhan ng 73rd at 72nd Infantry Battalions ng Philippine Army sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na kanilang naka-engwentro sa Magsaysay, Davao Del Sur.

Ayon kay Lt. China Castro, civil military operations officer ng 73rd Infantry Battalion, nagsasagawa ng checkpoint ang mga sundalo sa Brgy. Tacul nang sila ay paputukan ng apat na miyembro ng NPA na sakay ng dalawang motorsiklo.

Tumagal ng sampung minuto ang palitan ng putok bago nakatakas ang mga rebelde.

Iniwan nila ang mga armas at bala na kanilang bitbit.

Kabilang sa nasabat ang anim na M16 rifles, dalawang AK47 rifles, at isang M14 rifle.

Nakuha din ang isang IED, at iba’t ibang uri ng bala at magazines at ang 2 Honda TMX motorcycles.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Davao del Sur, high powered firearms, new people's army, Radyo Inquirer, Davao del Sur, high powered firearms, new people's army, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.