P100,000 halaga ng shabu, nasabat sa dalawang lalaki sa QC

Arestado ang dalawang lalaki makaraang mahulihan ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P100,000 sa isang buy-bust operation sa E. Rodriguez, Quezon City.

Inaresto sina Merhan Jahiron at Jovan Cariño ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) matapos makuha sa kanila ang apat na plastic ng marijuana, mahigit 20 piraso ng ecstasy, at 2 plastic ng cocaine.

Noon lamang bisperas ng Bagong Taon, nagsagawa na rin ng operasyon ang QCPD sa nasabing lugar.

Sa isinagawang buy-bust, aabot sa P1 milyon halaga naman ng droga ang nasabat ng mga pulis.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...