Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang lalaki na hinihinalang supplier ng ecstasy at cocaine sa isinagawang buy-bust operation sa isang condominium sa Mandaluyong City.
Nasabat mula sa dalawa ang 70 tabletas ng ecstasy 1.6L ng liquid ecstasy at anim na pakete ng cocaine na tinatayang aabot sa P666,000 ang halaga.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, hinahaluan ng mga suspek ng energy drink ang liquid ecstasy.
At ang epekto nito sa gagamit ay mistulang epekto ng ‘flakka’ na nakikita sa social media kamakailan.
Ipinakita pa ng PDEA sa mga mamamahayag ang video ng dalawang babae na matapos mag-take ng 2ml lang na liquid ecstasy ay nagsimula nang mangisay.
Ani Aquino, napag-alaman nilang sa New Bilibid Prisons nanggaling ang drogang ibinebenta ng mga suspek.
Sa mga isinagawang buy-bust operation g PDEA nitong nagdaang mga araw ay natuklasan nilang mula sa loob ng Bilibid ang pinagkukunan ng suplay ng ilegal na dorga.