Isang bayan sa Mountain Province, nakapagtala ng pinakamababang temperatura ngayong taon

By Len Montaño January 12, 2018 - 11:54 AM

Inquirer File Photo

Naitala ang pinakamababang temperatura ngayong taon sa isang bayan sa mountain province.

Nagtala ng malamig na 7 degrees Celsius sa bayan ng Barlig kahapon araw ng Huwebes.

Makalipas ang maaraw na panahon ay muling bumaba ang temperatura sa buong Mountain Province.

Sa bayan naman ng Bontoc ay bumaba sa 16 degrees Celsius ang temperatura noon ding Huwebes.

Sa tala ng American-based Accuweather Forecasting Services, naglaro ang temperatura sa lalawigan sa pagitan ng 7 degrees celsius at 16 degrees Celsius.

Naitala ng 15 degrees Celsius sa Besao, at 16 degrees Celsius sa Sagada, Tadian Bauko, Sadanga at Sabangan.

Naging foggy ang mga kabundukan sa Mountain Province na may kasamang occasional rain showers.

Dahil sa malamig na pahahon ay nakasuot ng makapal na damit at naka-jacket at mga residente sa probinsya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: barlig, low temperature, Mountain Province, weather, barlig, low temperature, Mountain Province, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.