Mandatory evacuation ipinatupad sa Camarines Sur dahil sa pagbaha
Nagpatupad na ng mandatory evacuation sa ilang bahagi ng Camarines Sur dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan na nagdulot ng pagbaha at landslides.
Inatasan ni Gov. Luis Villafuerte ang lahat ng mayors, chairperson ng MDRRMC at mga kapitan ng barangay na ipatupad ang mandatory evacuation.
Partikular na iniutos ni Villafuerte ang paglilikas sa mga pamilyang naninirahan sa mga flood prone at landslide areas.
Una nang nagdeklara ng suspensyon ng klase sa Camarines Sur ngayong araw dahil sa patuloy nap ag-ulan.
Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bicol Region, nakapagtala na ng pagbaha sa Barangay Caguiscan at landslide naman sa Barangay Patrocinio sa Lagonoy, Camarines Sur.
Dahil dito, hindi na madaanan ang bahagi ng Lagonoy-Presentacion Road.
Maliban sa Camarines Sur, inuulan din ang Naga City.
Sa Barangay Panganiban Drive, nakaranas na ng pagbaha at nawalan ng suplay ng kuryente.
Binaha na rin ang bahagi ng Magsaysay Avenue sa naturang lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.