5 ang patay, 95 pang drug personalities ang arestado sa loob lang ng 12-oras sa Bulacan

By Jan Escosio January 12, 2018 - 09:43 AM

Patay ang limang drug personalities at umabot sa 95 ang naaresto sa loob lang ng 12-oras na pagsasagawa ng Enhanced Managing Police Operation o EMPO sa buong lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Bulacan police chief, Sr. Supt. Romeo Caramat ang limang napatay sa mga operasyon ay isang alias Popeye at Arwin Alvarez sa San Jose del Monte City; Sonny Pablo sa Malolos City; Rommel Mercado sa Sta. Maria at Christian Abarquez sa Calumpit.

Aniya 95 naman ay naaresto sa 53 drug bust operations, tatlong pagsisilbi ng arrest warrants at dalawang search warrants at dalawang checkpoints.

Nakakumpiska din sila ng 277 plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na higit 170 gramo, 21 gramo ng marijuana, siyam na baril at isang granada.

Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay nasa pangangalaga na ng SOCO para maihanda dahil gagamiting ebidensiya sa pagsasampa ng mga kaso.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bulacan, Enhanced Managing Police Operation, Bulacan, Enhanced Managing Police Operation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.