Bagitong pulis at dalawang kaanak nito, arestado sa pag-aamok sa Quezon City
Sa kulungan ang bagsak ng bagitong pulis na si PO1 Marcos Lagui, kapatid nitong si William, at pinsan na si Daniel Guillermo na pare-parehong nakainom.
Ito ay matapos mag-amok ang tatlo sa Barangay Claro, Quezon City.
Sapul sa CCTV ng barangay ang pag-iikot sa lugar ng tatlo.
Ayon sa barangay captain ng Claro na si Ronald Tagle, tila naghahanap ng away ang tatlong mga suspek matapos makainom.
Kwento ng isang residente, pinupuntirya ng tatlo ang mga kabataan sa lugar at naghahamon ng away.
Kwento pa ng isang tanod, bago pa magpaputok si Lagui ay sinita na niya ito ngunit hindi naman siya pinansin ng pulis.
Depensa naman ng magkapatid na Lagui, may isang lalaki na naunang nanuntok sa pulis, kaya naman gumanti lamang sila dito.
Dahil sa naturang insidente ay mahaharap ang tatlo sa kasong alarm and scandal.
Ayon pa kay Chief Superintendent Guillermo Eleazar, hepe ng Quezon City Police District, posible ring matanggal sa pagkapulis si Lagui.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.