Klase sa Naga City, suspendido ngayong araw dahil sa malakas na ulan at pagbaha
Sinuspinde ng lokal na pamahalaan sa Naga City ang klase sa lahat ng antas sa lungsod ngayong araw dahil sa nararanasang hindi magandang panahon.
Ayon sa abiso mula sa tanggapan ni Mayor John Bongat, nakararanas ng malakas na ulan sa lungsod dahil sa localized thunderstorm.
Dahil sa pag-ulan mula pa kagabi, tumaas ang water level sa major waterways sa Naga na sasabayan pa ng high tide ngayong umaga.
May mga naitala na ring pagbaha sa mabababang lugar sa lungsod.
Ayon kay Bongat, alas 10:00 pa ng gabi ng Huwebes nang magsimulang makaranas ng malakas na buhos ng ulan sa Naga City.
Sakop ng suspensyon ang klase sa pre-school, kindergarten, elementarya, junior at senior high school at college.
Kasama ring sinuspinde ang pasok sa mga Techvoc institutions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.