Nagsimula ang fishing ban noong Disyembre na tatagal hanggang Marso ng taong ito.
Pitong magkakasunod na taon nang nagpapatupad ng tatlong buwan na fishing ban ang BFAR para bigyang daan ang nasabing uri ng isda na makapagparami muna para sa fishing season ngayong taon.
Sa ilalim ng Section ng Republic Act 8550 o Philippine Fisheries Code of 1998, panandaliang sinususpinde ang pangingisda ng tamban sa East Sulu Sea, Basilan Strait at Sibuguey Bay.
Kukumpiskahin ng mga otoridad ang mga huli at gamit pangisda ng mga lalabag dito, maliban pa sa pagpapataw ng multa na nagkakahalaga ng limang beses na katumbas ng mga nahuli.
Maari din patawan ng parusang P50,000 para sa small-scale fishing hanggang P5 milyon para naman sa large-scale commercial fishing ang mga lalabag dito.
Kasama din sa mga ipinagbabawal ang pagbili, pagbebenta at pag-iingat sa mga sardinas na nahuli sa nasabing conservation area.