Nakilala ang mga suspek na sina Joemarie Antiquera, John Daniel Ricafort, Teodorico Dionisio, Julius Maquera, Christian Asistores at Julius Maquera.
Sa anim na suspek na naaresto, napag-alaman na lima sa kanila ay mga empleyado pa mismo ng Maritime Industry Authority (Marina).
Ayon sa may-ari ng review center na si Jobert Santos, inalok siya ng mga suspek na bibigyan siya ng mga review materials na mismong ipinapa-exam sa Marina, kapalit ng kalahating milyong piso.
Sinisigurado pa aniya ng mga suspek sa kaniya na tiyak na papasa nang walang kahirap-hirap ang kaniyang mga reviewees dahil mismong ang exam paper na ang hawak niya.
Kinumpirma ni Marina chief engineer for board of examiners Jesse Fresnido na ang mga ito nga ang kanilang questionnaires at na tama ang mga sagot na naroon.
Lubhang dismayado si Fresnido dahil 40 taon ang ginugol niya sa barko at pinaghirapan niya ang exam na ito pagkatapos ay ibebenta lamang ng mga suspek.
Giit pa ni Fresnido, ang hinahabol nila ay ang pagiging competent ng mga nagnanais maging seaman dahil kung hindi ay baka madisgrasya ang mga ito sa barko.
Ayon pa kay Fresnido, pawang mga nagtatrabaho sa kanilang IT department ang mga naaresto at na-hack nila malamang ang mga questionnaires.
Kinumpirma din niyang kilala niya ang mga suspek maliban labang sa babaeng kasama ng mga ito.
Posible namang ipagpaliban muna sandali ng examiners ang pagsusulit upang maisagawa ang mga pagbabago sa questionnaires.
Kasabay nito ang pagtitiyak nila na may bago na silang sistema upang hindi na makuha ninuman ang mga bagong tanong sa exam.
Nahaharap na sa mga kaukulang kasong may kinalaman sa anti-graft practices ang gma suspek.