Tuloy ang umento sa sweldo ng mga guro-Palasyo

By Rhommel Balasbas January 12, 2018 - 03:49 AM

 

Iginiit ng Palasyo ng Malacañang na makatatanggap ng pagtaas sa sahod ang humigit-kumulang 600,000 mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, itutuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ito tulad ng kanyang pagtupad sa ipinangakong umento sa sahod ng mga pulis at militar.

Ang pahayag na ito ng palasyo ay sagot sa naging malamig na tugon ni Budget Secretary Benjamin Diokno na mangangailangan umano ng dagdag na 500 bilyong piso ang pagdoble sa sahod ng mga guro at hindi ito prayoridad ng ahensya.

Ayon kay Roque, alam ng presidente ang pinakamakabubuti at iginiit na hindi naman nito sinabing dodoblehin ang sahod ng mga guro tulad ng sa pulisya at militar.

Sinabi pa ni Roque na nag-utos pa nga si Duterte sa mga miyembro ng gabinete na gumawa ng paraan upang maitaas ang sahod ng mga guro bago pa man ang pagsusumite ng ikalawang package ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) sa kongreso.

Nanawagan naman si Roque sa mga guro na manatiling pasensyoso at tinitiyak naman anya niyang magkakaroon ng umento sa kanilang sahod sa ilalim ng administrasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.