Ito’y matapos matagumpay na naharang ng Department of Justice (DOJ) ang pagnanais ng mga suspek na sina Win Fai Lo, Shu Fook Leung, Kam Wah Kwok at Kwok Tung Chan na makapagpyansa.
Sinabi ni RTC Judge Raymond Viray, walang malinaw na nagsasaad na mahina ang kaso ng prosekusyon para pagbigyan ang kahilingan ng mga ito na pansamantalang makalaya.
Aniya pa, ang mismong pagkakadiskubre pa lamang ng mga kagamitan na ginagamit sa paggawa ng shabu sa bangka sa Barangay Calapandayan sa Subic, Zambales noong July 11, 2016 ay sapat nang patunay na gumagawa sila ng iligal na droga.
Maliban pa dito, natagpuan din sa bangka ang finished product na shabu na nagkakahalaga ng P2.5 milyon.
Dahil dito ay kinasuhan ang apat ng paglabag sa Section 8 at Section 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act na tumutukoy sa manufacturing at possession ng iligal na droga.
Ikinalugod naman ng prosection team ng DOJ na may hawak sa kaso ang naging tama at mabilis na desisyon ng korte base sa mga malilinaw na “facts and evidence.”