21 ‘undocumented workers’ arestado sa raid sa halos isandaang 7-11 stores sa Amerika

 

Halos isandaang 7-eleven stores ang ni-raid ng US Immigration and Customs Enforcement (ICE).

Ito ay bilang mensahe sa mga nagnenegosyo na huwag tumanggap ng ‘undocumented staff’ alinsunod sa kampanya ni Pangulong Donald Trump kontra ‘illegal immigration’.

Nasa 21 katao na hindi dokumentado ang naaresto sa malawakang raid na isinagawa sa 17 states ng US mula California hanggang Florida.

Ayon kay Acting ICE Director Thomas Homan, ipinapatupad lamang nila nang ganap ang batas at iginiit na sinumang hindi susunod ay mananagot dito.

Ang pagtanggap sa mga iligal na manggagawa anya ay isang malaking bahagi ng ‘illegal immigration’ at sinisikap anya ng pamahalaan na matanggal ang balakid na ito.

Sinabi rin ni Homan na ang naturang kampanya ay upang maprotektahan ang mga naturang trabaho eksklusibo para sa mga mamamayan ng Estados Unidos.

Nagiging disbentahe kasi anya ito sa mga US citizens dahil sa mga kumpanyang iligal na tumatanggap ng hindi dokumentadong empleyado.

Read more...