Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde, ang mga pulis na ito ay nasangkot sa mga kasong tulad ng kidnapping, pangingikil, grave misconduct at absence without leave (AWOL).
Sinabi rin ni Albayalde na ang may pinakamataas na ranggo na nasibak sa serbisyo ay isang police superintendent.
Gayunman, nilinaw niya na ang mga miyembro ng Caloocan PNP ay hindi pa natatanggal ngunit nasa ilalim pa rin ng ‘restrictive custody’.
Wala pa anyang napipirmahan ang hepe ng PNP ukol sa mga kasong administratibong inihain laban sa mga ito ngunit inirekomenda anyang masibak ang mga ito.
Iginiit din ng opisyal na walang kawani mula sa kanyang tanggapan ang kasama sa 69 na pulis na sinibak mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto.