Pilipinas, ‘fastest growing economy’ sa ASEAN hanggang 2020-WB
Sa kabila ng inaasahang kawalan ng paggalaw sa aspeto ng pamumuhunan, ay mananatiling ‘fastest growing economy’ ang Pilipinas sa Association of South East Asian Nations (ASEAN).
Ito ang lumalabas sa pagtaya ng World Bank hanggang sa taong 2020.
Batay sa ‘Global Economic Prospects’ report ng naturang multilateral lender mula Washington ay patuloy na mauungasan ng Pilipinas ang mga kapit-bahay na bansa nito.
Ang paglago sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ay inaasahang papalo sa 6.7 percent ngayong taon bago lumagay sa 6.5 percent sa 2020.
Gayunman, ang mga pagtantsang ito ay mas mababa sa target ng gobyernong 7-8 percent.
Inaasahan ng World Bank na ang magiging average GDP growth ng Pilipinas mula 2018 hanggang 2020 ay nasa 6.6 percent.
Mas mataas ito sa projection nila para sa Thailand na may 3.5 percent, Vietnam na may 6.5 percent, Indonesia na may 5.3 percent at Malaysia na may 4.9 percent.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.