Pilipinas, nalulugi ng P300-B kita taun-taon dahil sa corporate tax holidays at exemptions

By Kabie Aenlle January 12, 2018 - 01:31 AM

 

Nalulugi ng P300 bilyong kita taun-taon ang gobyerno dahil sa dami ng mga tax at iba pang perks na tinatamasa ng mga malalaking kumpanya.

Dahil dito, binibigyang diin ng Department of Finance ang rationalization ng mga incentives para sa mga investors sa ilalim ng ikalawang tax reform package.

Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, aabot sa P86.25 bilyon ang halaga ng revenue losses ng gobyerno dahil sa mga tax holidayes at special rates, habang P18.4 bilyon naman ang nawawala dahil sa custom duty exemptions.

Nagdudulot naman sa pagkalugi ng P159.82 bilyon ang mga exemptions sa pagbabayad ng value-added tax sa mga iniaangkat na produkto, at P36.96 bilyon naman sa mga local VAT.

Gayunman, nababawi naman ang bahagi ng nasabing uri ng tax dahil ipinapataw ang mga ito sa exporters.

Ayon kay Chua, hindi pa kasama sa incentives na may kabuuang P301.22 bilyon ang mga exemptions sa bayad ng local business taxes at estimates sa tax leakages.

Aniya, on average ay ipinamimigay ng gobyerno ang nasa 1.5 percent ng gross domestic product ng bansa sa income tax at custom duties exemptions.

Dahil sa pagkaluging ito, nais isulong ng DOF ang reporma sa corporate income taxation.

Una nang sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na nagpa-plano na ang kaniyang kagawaran na magsumite ng ikalawang package ng comprehensive tax reform sa Kamara sa pagbabalik nila sa sesyon.

Sa ngayon kasi ay ang nakokolekta lamang ng gobyerno na tax sa kita ng mga malalaking kumpanya ay tumutumbas lamang sa nasa 3.7 percent ng ekonomiya dahil sa napakaraming exemptions sa kabila ng mga matataas na tax rates.

Sa kaniya pang pahayag, sinabi ni Chua na bagaman ang Pilipinas ang nagpapataw ng pinakamataas na corporate income tax sa ASEAN, tayo rin ang nasa kulelat kung ang pag-uusapan ay collection efficiency.

Ngayon ay nagpapatupad ng 30 percent na corporate income tax rate ang Pilipinas ngunit 12.3 percent lang ang tax collection efficiency ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.