Imbestigasyon sa nasabat na 125-M smuggled rice sa Zamboanga sisimulan na ng BOC

By Jay Dones January 12, 2018 - 01:00 AM

 

File photo

Sisimulan na ng Bureau of Customs ang imbestigasyon sa P125-milyong pisong smuggled rice na nasabat ng Philippine Coast Guard sa isang cargo ship sa Zamboanga Sibugay nitong Linggo.

Ang naturang bigas ay lulan ng MV J-Phia nang maharang sa karagatang sakop ng Olutanga, sa Zamboanga Sibugay.

Sinabi ni BOC Commissioner Isidro Lapeña na nasa kanilang kustodiya na ang naturang bigas matapos i-turn over ng mga tauhan ng PCG Southwestern Mindanao sa Port of Zamboanga.

Kanila na aniyang sisimulan ang pagtukoy sa pinagmulan at consignee ng smuggled rice upang masampahan ng kaukulang kaso.

Hawak na rin ng mga otoridad ang kapitan ng barko na si Rogelio Necessario matapos mabigo itong magpakita ng mga dokumento at import permit ng nasa 60,000 sako ng bigas na kanyang ibinibyahe.

Dahil dito, nakatakdang sampahan ng patung-patong na kaso si Necessario ng mga otoridad.

Hinala ng Coast Guard, nagmula sa Vietnam ang kontrabando at iligal na ipapakalat sa merkado sa Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.