Petisyon upang ideklarang terorista ang NPA, ihahain sa korte sa susunod na linggo

By Rohanisa Abbas January 12, 2018 - 12:32 AM

Inaasahang sa susunod na linggo na maghahain ng petisyon ang gobyerno para ideklarang teroristang grupo ang New People’s Army.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, isasailalim pa sa last minute consultation ang petisyon sa Office of the Executive Secretary at iba pang intelligence services.

Naniniwala si Aguirre na isang full-blown trial ang magaganap kaugnay nito at hindi maaaring madaliin.

Dagdag ng kalihim, kinakailangang malikom nila ang terroristic activities na sangkot ang NPA.

Noong Disyembre, inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation Order No. 374 na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines-NPA bilang teroristang grupo.

Gayunman, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kinakailangan pa itong dumaan sa korte.

Inatasan ang Department of Justice na magsumite ng application para sa deklarasyong ito sa Regional Trial Court.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.