Roque, pinasasampahan ng reklamong indirect contempt ni Ex-Gov. Reyes

By Rohanisa Abbas January 11, 2018 - 11:55 PM

 

Hiniling ni dating Palawan governor Joel Reyes sa Court of Appeals (CA) na sampahan ng indirect contempt si Presidential spokesman Harry Roque.

Sa petisyong inihain noong January 10, sinabi ni Reyes na dapat i-cite for indirect contempt si Roque dahil sa umano’y unwarranted attacks nito sa korte.

Isinaad ni Reyes na nakasasama ang mga pahayag ni Roque sa kalayaan at efficiency ng korte, at gayundin sa tiwala ng publiko sa integridad ng korte.

Sinabi ni Reyes na bagaman nagsalita si Roque bilang dating abogado ng pamilya Ortega, posibleng maimpluwensyahan pa rin ng kanyang pamumuna ang publiko at ang korte.

Ang dating gobernador na itinuturong mastermind umano sa pagpatay sa mamamahayag na si Gerry Ortega ay pinalaya ng CA. Ito ay dahil walang nakitang batayan ang CA para ipaaresto ng Palawan Regional Trial Court si Reyes.

Pinuri ni Roque ang Ombudsman sa paghiling nito sa Sandiganbayan na bawiin ang pyansa ni Reyes at arestuhin muli ang dating gobernador.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.