Pinoy pilgrim patay sa stampede sa Saudi Arabia
Kinumpirma ng konsulada ng Pilipinas sa Saudi Arabia na may isang Pinoy na nasawi sa stampede na naganap sa Mecca sa Saudi Arabia. Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Asec. Charles Jose, ang nasabing impormasyon ay ipinarating ng Consulate General sa Jeddah. Tumanggi naman si Jose na pangalanan ang nasawing Pinoy batay na rin sa kahilingan ng kaniyang pamilya. “the personal circumstances of the victim are being withheld on the request of the family.” ani Jose. Una nang sinabi ni Jose na ang pagkamatay ng nasabing Pinoy pilgrim ay ipinaalam sa konsulada ng Pilipinas sa Jeddah ng isa ring Pinoy na nagtatrabaho sa Saudi. Ayon kay Jose, 8,130 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na nagtungo sa Saudi Arabia para dumalo sa Hajj. Bukod pa aniya ang mga Pinoy na naroon na sa Saudi at nagtungo din sa pagtitipon. Sa ngayon sinabi ni Jose na all acccounted for na ang lahat ng Pinoy na nagtungo sa Mecca.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.