Kontrobersya sa PCSO, sisimulang busisiin ng Senado, Atong Ang, ipatatawag sa pagdinig

By Atong Ang, PCSO Controversy January 11, 2018 - 05:49 PM

Itinakda ni Committee on Games and Amusement Chairman Senator Panfilo Lacson sa January 17 ang pagdinig sa mga kontrobersiya sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Kabilang dito ang nabunyag na maluhong Christmas Party na ginastusan umano ng 6 Milyung Piso.

Ayon kay Lacson, kabilang sa papaharapin sa pagdinig ay ang Board members ng PCSO, kabilang si Sandra Cam na syang nagbunyag sa isyu.

Imbitado din ang bagong officer-in-charge ng Department of Interior and Local Government na si dating AFP Chief-of-Staff Eduardo Año, mga police regional directors at ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang.

Base naman sa alegasyon ni PCSO General Manager Alexander Balutan, nasa likod ni Cam ang negosyanteng si Atong Ang na nagnanais umanong magkaroon ng kontrol sa STL.

Ayon kay Lacson, kasama ding uungkatin sa pagdinig ang alegasyon na nagiging front ng jueteng ang operasyon STL o small town lottery kaya mababa ang kita mula dito.

Sa impormasyon nakuha ni Lacson, milyung piso kada buwan ang offer sa mga police regional director huwag lang pakialaman ang STL at operasyon ng ilegal gambling tulad ng jueteng.

 

TAGS: Ruel Perez, Ruel Perez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.