Mga empleyado ng airport, tinangkang suhulan para makalabas ng bansa si Kenneth Dong – BI

By Alvin Barcelona January 11, 2018 - 05:08 PM

Inquirer file photo

Hindi lang ang may-ari ng Hingfei Logistics na sangkot sa nasabat na 6 bilyong pisong shabu ng Bureau of Customs ang nagtangkang manuhol ng Immigration Officer para makapuslit ng Pilipinas.

Ayon kay Bureau of Immigration Spokesperson Atty. Ma. Antonette Mangrobang, bukod kay Chen Ju Long, kinumpirma ni Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas na tinangka ring suhulan ng negosyanteng si Dong Shi Yen o Kenneth Dong ng P10 milyon ang mga tauhan ng airport para makalabas ng bansa.

Kaugnay nito tiniyak ni Mangrobang na naka-alerto ang kanilang mga tauhan at bantay sarado ang lahat ng mga legal na exit point laban sa paglabas ng sinuman na sangkot sa smuggling ng shabu sa Valenzuela City.

Ang mga suspek sa nasabing shabu shipment ay nauna nang ipinalagay ng Department of Justice sa immigration look-out bulletin order.

 

TAGS: 6.4 billion-peso shabu shipment, kenneth dong, 6.4 billion-peso shabu shipment, kenneth dong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.