Pagtalakay ng Senado sa Death Penalty Bill, hindi na kailangan – Lacson

By Ruel Perez January 11, 2018 - 03:54 PM

Inquirer file photo

Naniniwala si Senador Ping Lacson na wala nang dahilan para talakayin pa ng Senado ang Death Penalty Bill.

Ito ay kahit pasado na ang counterpart bill nito sa Kamara.

Katuwiran ni Lacson, isa sa mga author ng panukalang batas, walang sapat na suporta ang panukalang ibalik ang parusang bitay.

Mayorya umano sa mga Senador ang umaayaw sa panukala kahit pa gagamitin lang ito sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Katunayan, batay aniya sa pakikipag-usap niya sa mga kapwa Senador, hindi makakuha ng 12 boto ang panukala kahit pa mismong ang Pangulo na ang nagsusulong nito.

Kasabay nito, pinayuhan ni Lacson si Senador Manny Pacquiao na pulsuhan muna ang mga kasamahan bago magsagawa ng pagdinig hinggil
dito.

Si Pacquiao ang mamumuno sa binuong Sub-committee ng Justice Committee para talakyin ang Death Penalty Bill.

 

TAGS: death penalty bill, death penalty bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.