NFA, hindi magtataas ng presyo ng bigas

Inquirer file photo

Kinalma ng National Food Authority (NFA) ang publiko laban sa napabalitang pagtaas ng presyo ng bigas kasunod ng implementasyon ng Tax Reform Law ng Duterte administration.

Sa isang pahayag, sinabi ng NFA na walang dapat na ipag-alala ang mga consumer dahil hindi sila magtataas ng presyo ng bigas.

Bagamat aniya nagsasagawa ang NFA ng cost analysis sa posibleng epekto ng TRAIN, walang dapat na asahan na paggalaw sa halaga ng pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Mananatili anila sa P27 kada kilo ang presyo ng regular-milled rice at P32 kada kilo sa well-milled rice.

Bukod aniya dito, walang shortage sa suplay ng bigas kaya walang dahilan para itaas ang presyo nito.

Kaugnay nito, binalaan ng NFA ang mga rice trader na huwag samantalahin ang mga spekulasyon sa presyo ng bigas.

 

Read more...