Pagkakasangkot ng mga Indian nationals sa iligal na droga, iimbestigahan ng BI
Iniimbestigahan na ng Bureau of Immigration (BI) ang ulat na pagkakasangkot ng mga Indian national sa bentahan ng iligal na droga sa bansa.
Kaugnay nito, inatasan na ni Immigration Commissioner Jaime Morente si Atty. Sherwin Pascua, hepe ng intelligence division na magpadala ng mga operatiba sa mga lugar kung saan naka-aresto ang mga pulis ng mga Indian national na nagtutulak ng droga.
Ayon kay Morente, nakakabahala ang nasabing balita kaya ipinag-utos na niya ang pag-aresto sa mga ito at pagpapataw ng kaukulang kaparusahan.
Nabatid na nasa Iloilo na ang isang team ng mga operatiba para magsagawa ng follow-up operation sa 3 Indian national na naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) doon kamakailan.
Base sa inisyal na report ng team na pinamumunuan ni immigration intelligence officer Jude Hinolan ang mga suspek na sina Amandeep Tangri, Joginder Pal Tangri and Tehal Singh ay iligal na nananatili sa bansa dahil kapwa matagal nang expired ang visa ng mga nito.
Ang mga suspek ay sasampahan ng mga kasong paglabag sa Immigration laws ng Pilipinas pero tiniyak na hindi ito agad na ipapa-deport hanggat hindi nito nagpagsisilbihan ang kanilang sentensya sakaling mahatulan ng korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.