Milyung pisong halaga ng shabu, nasabat sa Novaliches, QC

By Cyrille Cupino January 11, 2018 - 02:42 PM SHARE(S):
Inquirer file photo

Nasabat ng mga pulis ang isang milyung pisong halaga ng hinihinalang shabu mula sa dalawang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, nakilala ang mga suspek na sina Bawe Sarip, 27 anyos, at isang Reginaldo Cadag, 33-anyos.

Naaresto ang mga suspek sa ikinasang operasyon ng Novaliches Police Station, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nagpanggap na posseur buyer ang isang operatiba at bumili ng 20 libong pisong halaga ng shabu mula sa mga suspek.

Nasamsam sa kamay ng mga naaresto ang 26 na plastic sachet ng hinihinalang shabu na hindi bababa sa 200 gramo ang timbang, gayundin ang buy-bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: 2 drug suspects nabbed in QC, 2 drug suspects nabbed in QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.