Seguridad sa Pista ng Sto. Niño sa Tondo, pinaghahandaan na
Irerekomenda ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Council sa Manila Police District ang pagpapatupad ng tinatawag na area gun ban sa kabuuan ng Tondo, Maynila kaugnay ng nalalapit na kapistahan ng Sto Niño.
Ayon kay Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office Director Johnny Yu, kanyang imumungkahi ang pagpapatupad ng area gun ban sa Tondo sa darating na January 20 hanggang January 21, panahon ng kapistahan ng Sto Niño.
Aminado naman si Yu, na mahirap ipatupad sa Tondo ang Liquor Ban sa panahon ng kapistahan ng Sto. Niño.
Sa halip ay nanawagan na lamang sila sa mga deboto ng Sto. Niño na iwasan ng sumama sa prusisyon ang mga naka-inom ng alak, upang makaiwas sa anumang problema.
Tinatayang 20 libo hanggang 30 libong mga deboto ng Sto. Niño ang sumasama sa prusisyon, na sinasabayan pa ng sayaw at masiglang tugtog ng mga banda.
Dagdag pa ni Yu, pinaplantsa ng MPD at ng simbahan ng Tondo ang mga paghahanda kaugnay ng selebrasyon ng kapistahan ng Santo Niño.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.