Rescue operations sa mga biktima ng mudslide sa California, nagpapatuloy
Gumagamit na ng mga helicopter at aso sa paghahanap sa mga biktima ng matinding mudslide na nag-iwan ng hindi bababa sa labinlimang nasawi sa southern California.
Dahil sa malakas na buhos ng ulan, bumagsak ang malalaking bato at putik mula sa bundok sa ilang lugar sa Los Angeles kabilang na ang Montecito at Santa Barbara County.
Ayon sa mga otoridad, nasa dalawampu’t lima ang sugatan, habang limampung residente ang nagawang iligtas sa pamamagitan ng pag-airlift mula sa mudslides.
Sinimulan na din ang paglinis sa tone-toneladang putik na kumalat sa mga kalsada sa Montecito at iba pang lugar gamit mga bulldozer.
Sinusubukan na din ibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.
Dahil sa matinding mudslide, pansamantalang isinara ang customs area sa Terminal 2 ng Los Angeles International Airport.
Kabilang sa mga naapektuhan ng mudslide ay ang bahay ng sikat na talkshow host na si Oprah Winfrey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.