48 bagong bagon para sa MRT, hindi na muna tatanggapin ng DOTr

By Kabie Aenlle January 11, 2018 - 04:08 AM

 

File photo

Dumating na ang 48 na bagon mula sa kumpanya sa China na gagamitin sana para sa MRT-3.

Gayunman, hindi muna tatanggapin ng Department of Transportation (DOTr) ang mga ito hangga’t hindi nila natatapos ang independent audit assessment sa mga ito.

Layon ng kanilang pasisiyasat na alamin kung ligtas ang mga bagong bagon at kung compatible ang mga ito sa sistema ng MRT-3.

Ang mga nasabing dumating na bagon ay ang P3.8 bilyong halaga na nauna nang binili sa ilalim ng panunungkulan ni dating Transport Sec. Jun Abaya para sa MRT-3.

Samantala, ayaw na munang magkomento ni Batan sa posibleng kalabasan ng audit assessment.

Binigyan aniya nila ng buong kalayaan at kasarinlan ang kanilang independent audit consultant sa pagsisiyasat sa mga bagon kaya hindi sila mangingialam sa assessment ng mga ito.

Magdedesisyon aniya ang DOTr base sa magiging rekomendasyon ng mga audit team.

Bukas naman ang DOTr na ibalik ang mga tren at mayroon na rin silang plano sakaling kailangan pa ng mga pagbabago sa mga bagon o talagang hindi katanggap-tanggap ang mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.