Gilas Pilipinas tinambakan ang Kuwait sa FIBA Asia 2015

By Jen Cruz-Pastrana September 25, 2015 - 07:30 PM

Muling nangibabaw ang Gilas Pilipinas sa ikatlong laban nito sa FIBA Asia 2015. Tinalo ng Pilipinas ang Kuwait sa score na 110-64 sa FIBA Asia championship na ginaganap sa Changsa, China. Gilas-huddle2-300x200Ito ay kasunod ng matagumpay ding laban ng Gilas sa Hong Kong kahapon kung saan nakapagtala ng score 101-50. Dahil sa pagkapanalo, 2-1 na ang standing ng ng Gilas Pilipinas at aarangkada na ito sa second round ng laro na magsisimula sa Linggo. Samantala sa pagtapos ng laro uminit pa ang ulo ng isa sa mga player ng Kuwait. Nagalit ang nasabing manlalaro dahil hindi tinawagan ng foul ng referee ang pagkakabangga sa kaniya ng isa sa mga manlalaro ng Gilas na nagdulot ng pagdugo ng kaniyang labi. Galit na lumapit sa referee ang nasabing player ng Kuwait at naghagis pa ng bottled water sa court. Agad namang inawat ng mga kakampi ang player at sinamahan palabas ng court.

TAGS: Gilas Pilipinas, Gilas Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.