Walang dagdag sa monthly contribution ang SSS ngayong Enero

By Jay Dones January 11, 2018 - 03:00 AM

 

Nilinaw ng Social Security System (SSS) na walang magiging pagtaas sa buwanang kontribyusyon ng milyun-milyong miyembro ng ahensya ngayong buwan ng Enero.

Ayon kay SSS chairman Amado Valdez, walang katotohanan ang mga naglalabasang balita na magtataas ng monthly contribution rate ang ahensya ngayong buwan.

Giit ni Valdez, mananatili sa 11 percent ang buwanang kontribyusyon ng kanilang mga miyembro.

Matatandaang noong Mayo, nakatakda na sanang magpatupad ng 1.5 percent increase on monthly contributions ang SSS.

Ito’y matapos dagdagan ng dalawang libong piso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buwanang pensyon ng mga retiradong miyembro ng ahensya.

Gayunman, pansamantala itong ipinagpaliban dahil sa pagsusulong ng pamahalaan ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Act.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.