Higit 800 deboto ang nasugatan sa Traslacion ayon sa Red Cross

By Kabie Aenlle January 11, 2018 - 02:31 AM

 

Nakapagtala ang Philippine Red Cross (PRC) ng mahigit 800 na deboto na nangailangan ng atensyong medikal sa kasagsagan ng Traslacion ng Itim na Nazareno noong Janury 9 na tumagal ng 22 oras.

Sa inilabas nilang ulat, kabuuang 708 ang naitala nilang minor medical cases tulas ng pagkahilo, galos, gasgas, pagsusuka, pananakit ng ngipin, pananakit ng katawan, sobrang pagkapagod at sprain.

Samantala, 127 naman ang naitala nilang major injuries tulad ng hirap sa paghinga, pagkahimatay, panghihina, pangingisay at fracture.

Maliban pa dito, mayroon pang pitong pasyente na dinala ng PRC sa ospital kabilang na ang isang 17-anyos na binatang hinihinalang nagtamo ng spine at neck injury.

Hindi rin bababa sa 854 na deboto ang nagpatingin ng kanilang blood pressure sa mga tents ng Red Cross na nakakalat sa kahabaan ng ruta ng Traslacion.

Sa kasagsagan ng Traslacion, nasa 2,000 na tauhan at volunteers ng Red Cross ang tumulong para magbigay ng medical assistance sa mga deboto.

Mayroon din silang mga nakaantabay na ambulansya, rescue trucks, utility vehicles at rescue boats sakaling kailanganin sa oras ng sakuna.

Sinabi ni Philippine Red Cross chairman at Sen. Richard Gordon na hindi sila titigil sa pagsuporta sa napakagandang tradisyong ito ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsasalba sa buhay ng mga deboto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.