Mary Jane Veloso, nais na humarap sa pagdinig sa kaso ng kanyang mga recruiter

By Inquirer, Jay Dones January 11, 2018 - 01:30 AM

 

Nagdiwang ng kanyang ika-33 taong kaarawan nitong January 10 si Mary Jane Veloso, ang Overseas Filipino Worker na nakakulong sa Indonesia dahil sa pagdadala ng droga noong 2010.

Sa kanyang birthday wish, hiling nito na na payagan siya ng Indonesian court na makadalo sa pagdinig sa kasong kinakaharap ng kanyang mga recruiters sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng recorded message na ipinarinig ng kanyang mga pamilya sa okasyon sa Quezon City, muling iginiit ni Mary Jane na inosente ito sa mga ibinibintang sa kanya.

Hiling rin nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na na himukin ang Indonesia na payagan itong magbigay ng testimonya sa mga kasong illegal recruitment at human trafficking laban sa kanyang mga recruiters.

Paliwanag pa nito, biktima lamang siya ng dalawa sa kasong ito at ang malinaw na ang may kasalanan ay sina Cristina Sergio, Julius Lacanilao at ang mga dayuhang kasabwat ng mga ito na naglagay ng droga sa kanyang bahage.

Matatandaang buwan ng Abril 2010 nang arestuhin sa paliparan sa Indonesia si Veloso matapos madiskubre ang nasa 2.6 kilo ng heroin sa kanyang maleta.

Dahil dito, hinatulan si Veloso ng parusang bitay.

Taong 2015, nabigyan ng reprieve si Veloso upang mabigyan ng pagkakataon ang Pilipinas na habulin ang mga recruiters nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.