Pagtaas ng mga bilihin dahil sa TRAIN, iimbestigahan sa Senado

By Ruel Perez January 10, 2018 - 11:35 PM

 

Magpapatawag nang oversight hearing ang Senate committee on energy para imbestigahan ang umano’y pag-abuso sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dulot ng pagpapataw ng dagdag na excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Senate committee on energy chairman Senador Sherwin Gatchalian, nakatanggap siya ng report na may mga grocery store at ilang gasolinahan ang nagsamantala at nagtaas ng presyo noong Disyembre gayong hindi pa naipatutupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.

Ayon kay Gatchalian, iimbestigahan din nila kung tugma ba sa
ipinataw na excise tax ang anumang naging pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Aminado si Gatchalian na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng gasolina, mga pangunahing bilihin at mga serbisyo pero dapat umano minimal o maliit lamang ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.