Ombudsman, humirit na muling arestuhin si Palawan Gov. Joel Reyes

By Erwin Aguilon January 11, 2018 - 12:00 AM

 

Ipinakakansela ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan na kanselahin ang pyansa ni dating Palawan Governor Joel Reyes.

Base sa tatlong pahinang urgent omnibus motion sa Sandiganbayan 3rd Division, hiniling ng Ombudsman na makansela ang inihain nitong pyansa para sa kasong paglabag sa RA 3019 o paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act.

Hiniling din ng prosekusyon na kaagad maglabas ng commitment order para kay Reyes.

Iginiit ng Ombudsman na pinagbigyan ng antigraft court ang mosyon na makapagpyansa ang dating gobernador sa kanyang kaso sa katwirang nakakulong naman ito dahil sa pagpatay sa Palawan broadcaster na si Doc. Gerry Ortega.

Paliwanag ng prosekusyon nag-iba na ang usapin ngayon matapos ito payagang makalaya ng Court of Appeals.

Nakasaad pa sa mosyon na kailangang ikonsidera ng korte ang dating record ni Reyes na nagtago sa batas at naaresto sa Thailand nararapat lamang na makansela ang pyansa nito at muling makulong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.