Logging permits sa buong bansa, susuriin ng DENR
Ito ay bunsod ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa na idinulot ng Bagyong Vinta sa Mindanao.
Ayon sa DENR, iimbestigahan nila ang 14 kompanya sa bansa na may Integrated Forest Management Agreements (IFMA).
Sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu na pananagutin nila ang IFMA holders kapag may nakitang paglabag ang kompanya sa obligasyong pamahalaan ang kagubatan.
Hanggang Biyernes ang ibinagay ni Cimatu na palugid sa mga imbestigador sa mga lugar sa Zamboanga na umano’y nakalbo dahil sa illegal logging.
Una nang ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang logging operations sa Zamboanga Peninsula matapos sabihin ni Agriculture Secretary Manny Piñol kung paano nito pinalala ang epekto ng bagyo sa rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.