Mga opisyal ng gobyerno, pinasasagot ng na sa petisyon ng mga magulang na naturukan ng Dengvaxia

By Alvin Barcelona January 10, 2018 - 06:49 PM

Pinagsusumite na ng Supreme Court ng komento ang ilang opisyal ng gobyerno sa petisyon ng mga women’s and children advocacy group na humiling na aksyunan ang banta sa kalusagan ng mga naturukan ng Dengvaxia.

Binigyan ng SC ang mga respondent ng 10 araw para magbigay ng kanilang sagot sa petisyon na inihain ng mga respondent na kinabibilangan ng magulang ng 70 bata na naturukan ng kontrobersiyal na bakuna.

Sa nasabing petisyon, pinatitiyak ng mga petitioner na mabibigyan ng libreng medikal na serbisyo ang mga naturukan ng bakuna sakaling magkaroon ito ng malubhang reaksyon o side effect dahil dito.

Pinangalanang respondent sa kaso sina Health Secretary Francisco Duque III, Education Secretary Leonor Briones, Department of the Interior and Local Government officer-in-charge Catalino Cuy, Dr. Lyndon Lee Suy, program director ng Department of Health-National Center for Disease Prevention and Control at Food and Drug Administration Director General Nela Charade Puno.

Hiniling din ng mga petitioner sa SC na obligahin ang DOH na isapubliko ang report ng task force na nagmo-monitor sa immunization program gamit ang Dengvaxia.

Pinalilikha din ng mga ito ang mga respondent ng listahan ng mga pangalan na naturukan ng Dengvaxia at ng mga hindi pa nagkakaroon ng dengue bago ito sumailalim sa immunization program.

TAGS: Dengue Vaccine, Dengvaxia, doh, Supreme Court, Dengue Vaccine, Dengvaxia, doh, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.