Private jet, nag-emergency landing sa Bicol International Airport
Nagpadala na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng kanilang mga tauhan para imbestigahan ang isinagawang emergency landing ng isang private jet sa Bicol International Airport kaninang umaga.
Nabatid na ang Gulfstream G200 jet (RPC280) ay inupahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa Asian Aerospace Corp., at anim na pasahero ay pawang empleado ng BSP, na may bitbit na mahahalagang dokumento.
Base sa ulat na nakarating sa CAAP, alas-11:32 nang mangyari ang pagsadsad ng jet sa ginagawa pang runway ng paliparan.
Sinabi pa ni Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, aalamin ng ipinadala nilang Aircraft Accident Investigation team ang ugat ng insidente.
Aniya, sa runway ng Legazpi City Domestic Airport dapat lalapag ang jet nang bigla na lang magkaroon ng ‘wind drop’ kayat napilitan ang piloto, si Capt. Jun Pangilinan, na magsagawa ng emergency landing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.