Isang suspek sa pangho-holdap sa Manor Hotel sa Pasay, nakilala na

Nakilala na ng pulisya ang isa sa mga suspek sa pangho-holdap sa Mabuhay Manor Hotel sa Ortigas St., Pasay City noong January 2.

Ayon sa Pasay City Police, ang isa sa mga suspek ay nakilala sa pamamagitan ng kuha ng CCTV footage at ng mga empleyado ng hotel.

Nakilala ang suspek na si Daniel Constantino y Binas na nagtatago sa mga pangalang “Dave Constantino”, at “Anthony Herrera” na may alyas na “Tonee”.

Ayon sa Pasay City Police, si Constantino ay 31 anyos at tubong Molo, Iloilo City.

Napag-alaman rin na si Constantino ay dating nagtrabaho bilang security guard ng Mabuhay Manor, at nakatira malapit lamang sa hotel.

Sinampahan na ng kasong robbery si Constantino, at ang tatlo pang mga suspek na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakikilala.

 

Read more...